Pinagtibay Martes, Hulyo 11, 2017 ng Gabinete ng Thailand ang proyekto ng daambakal sa pagitan ng Bangkok at Nakhon Rachasima ng bansang ito. Ito ay bahagi ng proyektong daambakal ng Tsina at Thailand.
Ang kabuuang haba ng daambakal sa pagitan ng Bangkok at Nakhon Rachasima ay abot sa 253 kilometro. Ang kabuuang halaga ng proyektong ito ay nasa 179.4 bilyong Thai Baht (THB) o halos 5.3 bilyong US Dollars.
Ayon sa pahayag ng Ministri ng Transportasyon ng Thailand, ang nasabing proyekto ay sisimulang itayo sa darating sa Setyembre at maisasaoperasyon naman sa taong 2021.