|
||||||||
|
||
Hulyo 7, 2017--Inilagay ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) World Heritage Committee sa World Natural Heritage List ang Hoh Xil sa lalawigang Qinghai sa dakong kanluran ng Tsina.
Sa lokal na wika, ang Hoh Xil ay nangangahulugang "Kunlun Snow Mountain Land," o "Lupang may Ilang Libong Lawa." Ang Pambansang Nature Reserve ng Hoh Xil ay matatagpuan sa hilagang kanluran ng Lalawigang Qinghai ng Tsina. Ang pangkalahatang altitude nito ay mahigit 4,500 metro. Namumuhay dito ang maraming Tibetan antelope, wild yak, wild donkey at iba pang bihirang hayop.
Noong Hulyo ng 2006, pormal na naisaoperasyon ang daambakal sa pagitan ng lalawigang Qinghai at Tibet ng Tsina. Ito ang pinakamataas at pinakamahabang daambakal na dumaraan sa talampas sa daigdig. Ang lugar para Makita ang mga hayop ay 2 km mula sa istasyon ng Hoh Xil.
salin:lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |