Phnom Penh-Itinatag Hulyo 12, 2017 ang Sentro ng Wikang Tsino sa Ministring Pandepensa ng Kambodya.
Itinayo ang naturang sentro ay batay sa kahilingan ng Ministring Pandepensa ng Kambodya. Layon nitong humubog ng mas maraming tauhan ng hukbong Kambodyano na nakakapagsalita ng wikang Tsino, para pahigpitin ang pagpapalitan ng mga hukbo ng Kambodya at Tsina.
Ang sentrong ito ay pinatatakbo ng Confucius Institute sa Royal Academy of Cambodia. Sa unang yugto, mayroon itong 60 estudyante mula sa Ministring Pandepensa ng Kambodya.