Idinaos Huwebes, Hulyo 13, 2017 sa Singapore ang 2017 Future China Global Forum.
Sa dalawang araw na porum, tinatalakay ng mahigit 60 dalubhasa at 500 katao mula sa iba't ibang sektor ng buong daigdig ang mga isyu hinggil sa magkakasamang pagpapasulong ng "Belt and Road" Initiative para sa komong kasaganaan.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Teo Chee Hean, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore, na ang "Belt and Road" Initiative ay nagpapakita ng pagsisikap ng Tsina para pasulungin ang integrasyong panrehiyon at komprehensibong pakikisangkot sa kabuhayang pandaigdig.