Ayon sa pahayag na inilabas Miyerkules, Hulyo 19, 2017 ng Heilongjiang Institute of Surveying and Mapping ng Tsina, natapos ang gawaing pag-ipon ng geospatial data ng Angkor Wat ng Cambodia.
Ang proyektong ito ay naglalayong ipagkaloob ang mga data para sa pangangalaga sa Angkor Wat.
Ipinahayag ni Feng Yang, puno ng nasabing gawain, na pagkatapos ng pag-ipon ng data, gagamitin nila ang teklolohiyang "Map World" ng Tsina sa Cambodia.
Dagdag pa niya, sa susunod na yugto, isasagawa nila ang pag-ipon ng geospatial data ng Angkor Thom.
Ang Map World ay isang palataporma ng Tsina para ipagkaloob ang mga may batayan at kapanipaniwalang geospatial data sa publiko.