Ipinanganak kahapon, Hulyo 20, 2017 ng giant panda na si Nini ang ika-5 boy and girl twins ng Olympic Panda Family.
Noong Hunyo 24, unti-unting nawalan ng ganang kumain si Nini. Samantalang noong gabi ng Hulyo 19, naglakad-lakad buong gabi ang panda. Noon namang umaga ng Hulyo 20, magkakasunod na isinilang ang 2 baby giant panda. Kabilang dito, umabot sa 203g ang bigat ng elder brother at 91g ang little sister. Sa kasalukuyan, nasa maayos na kalagayan ang tatlong giant panda at dumidede ng mga baby sa kanilang nanay.
Noong 2008 Beijing Olympic Games, sa pamamagitan ng pagboto sa Internet, 8 giant panda na may edad 1 hanggang 2 taong gulang ang ipinadala sa Beijing para sa kalahating taong pagdidispley sa Beijing Zoo. Sa kasalukuyan, 5 sa mga ito ang mayroon nang sariling anak.