Ayon sa ulat kahapon, Biyernes, ika-28 ng Hulyo 2017, ng White House, pipirmahan ni Pangulong Donald Trump ang resolusyon hinggil sa pagpataw ng sangsyon laban sa Rusya, Iran, at Hilagang Korea, para ito ay maging batas.
Nauna rito, pinagtibay ng Kongreso ng Amerika ang naturang resolusyon. Ayon dito, sa bintang ng pinaghihinalaang panghihimasok ng Rusya sa halalang pampanguluhan ng Amerika noong 2016, at pagdulot nito ng krisis sa Ukraine, palalawakin ng Amerika ang sangsyong pangkabuhayan sa mga indibiduwal at kompanyang Ruso. Ang pagpataw naman ng sangsyon laban sa Iran at H.Korea ay dahil sa kani-kanilang pagdedebelop ng ballistic missile.
Sa may kinalamang development, pagkaraang ipalabas ang naturang ulat, kapwa ipinahayag nina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Hassan Rouhani ng Iran, ang pagsasagawa ng mga hakbang bilang tugon sa aksyon ng Amerika.
Salin: Liu Kai