|
||||||||
|
||
Naypyitaw — Ginanap, Biyernes hanggang Sabado (Agosto 4 hanggang 5,2017), ang Ika-6 na ASEAN Economic Community (AEC) Plus 8 Gems and Jewelry Presidents' Summit.
Sa summit, nanawagan ang mga gems at jewelry dealers ng Myanmar sa gems at jewelry industry ng bansa na pabilisin ang pag-unlad. Samantala, nanawagan din silang dapat palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa aspekto ng pag-u-upgrade ng nasabing industriya.
Magugunitang sa kauna-unahang pagkakataon, idinaos sa Thailand noong 2002 ang naturang summit. Pagkatapos nito'y magkakasunod itong ginanap sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na gaya ng Malaysia, at Biyetnam.
Ayon sa resulta ng pagboto ng mga gems at jewelry presidents ng sampung (10) bansang ASEAN, gaganapin sa Shanghai, Tsina ang Ika-7 AEC Plus 8 Gems and Jewelry Presidents' Summit sa susunod na taon, na nasa pagtataguyod ng Shanghai Gems at Jade Exchange (CSGJE).
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |