|
||||||||
|
||
Makaraang ideklara noong Hulyo 22, 2017, ng Pilipinas ang pag-withdraw ng bansa sa paghohost ng 2019 South East Asian (SEA) Games, ipinahayag Huwebes, Agosto 17, 2017, ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas na pagkaraan ng pagsasanggunian ng pamahalaan, ipinasiya ng Pilipinas na ituloy ang paghohost ng nasabing SEA Games.
Napili rin si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, bilang chairman ng organizing committee para sa hosting ng ika-30 SEA Games.
Noong Hulyo 22, magugunitang inanunsiyo ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pag-atras ng bansa sa paghohost dahil sa pagkabahala sa kalagayang panseguridad na dulot ng nagaganap na teroristikong aksyon sa Mindanao sa katimugan ng bansa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |