Binuksan Martes, Agosto 22, 2017 sa Cambodia ang isang training class na pinagngngunahan ng tatlong dalubhasang Tsino sa agrikultura.
Ang naturang clase ay tatagal nang tatlong buwan at ito's magkakaloob ng mga patakaran at pag-unlad sa agrikultura ng bansang ito. Sasanayin din dito ang mga opisyal at talento ng bansang ito sa agrikultura.
Ipinahayag ni Li An, Cosulador ng Tsina sa Cambodia, na mabunga ang kooperasyon ng dalawang bansa sa agrikultura at nakahanda ang Tsina na patuloy na pahigpitin, kasama ng Cambodia, ang kooperasyon at pagpapalitan sa larangang ito.
Ipinahayag naman ni Ty Sokhun, Kalihim ng Cambodia sa Agrikultura, Panggugubat at Pangingisda, na ang nasabing klase ay magpapataas ng kakayahan ng pamahalaan sa pangangasiwa sa mga suliraning agrikultural.