Ayon sa White Paper of the Chinese Robot Industry na inilabas Sabado, Agosto 26, 2017 sa Beijing, ang Tsina ay pinakamalaking pamilihan ng daigdig sa industrial robot nitong nagdaang limang taong singkad.
Ayon sa datos mula sa Chinese Institute of Electronics, (CIE), ang saklaw ng pamilihang Tsino ay katumbas ng sangkatlo ng saklaw ng buong pamilihang pandaigdig.
Ayon sa pagtaya ng CIE, sa taong 2017, ang kabuuang bolyum ng pagbebenta ng mga industrial robot sa pamilihang Tsino ay lalampas sa 110 libo at ang halaga ng pagbebenta ng mga robot ay aabot sa 4.22 bilyong US Dollars. Hanggang sa taong 2020, ang bilang ng nasabing halaga ay inaasahang aabot sa 5.89 bilyong US Dollars.
Bukod dito, dahil sa paglaki ng pangangailangan sa kalusugan, edukasyon, at pag-asikaso sa mga matatanda, malaki rin ang nakatagong lakas ng pag-unlad ng pamilihan ng mga service robot sa Tsina.