|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Ginawa ni G. Gordon ang pahayag matapos sabihin ni Senador Trillanes sa pagdinig ng Senado na dalawang beses na nakita ang panganay na anak ng pangulo sa Bureau of Customs.
Nakita rin sa Bureau of Customs si Atty. Manases Carpio, ang manugang ng pangulo at asawa ni Mayor Sara Duterte.
Ani G. Gordon, pilit na idinadawit ni G. Trillanes si Paolo Duterte ng walang anumang ebidensya. Ito ang kanyang pahayag sa isang panayam matapos ang pagdinig sa Senado kanina.
Pinagbibintangan sina Vice Mayor Duterte at Atty. Carpio na nasa likod ng Davao Group na kumukulekta ng tara upang madali ang pagpasok ng mga kargamento.
Sinabi naman ni Atty. Carpio na nagkakalat lamang ng tsismis si Senador Trillanes.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |