Noong ika-29 ng Agosto, 2017, idinaos sa Beijing ang pulong ng pagpapalitan ng mga estudyante ng Tsina at Hapon bilang paggunita sa ika-45 anibersaryo ng pagsasakatuparan ng normalisasyon ng relasyong Sino-Hapones. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Liu Yandong, Pangalawang Premiyer ng Tsina, na ang kapayapaan, pagkakaibigan at kooperasyon ng Tsina at Hapon ay isang pangunahing tunguhin. Dapat aniyang gamitin ang paggunita sa ika-45 anibersaryo ng pagsasakatuparan ng normalisasyon ng relasyong Sino-Hapones para ibayo pang mapasulong ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa tumpak na landas.
Mahigit 1,000 estudyante ng Tsina at Hapon ang kalahok sa nasabing akdibidad.