Ipinahayag Agosto 30, 2017 ng pamahalaan ng Myanmar na nagkaroon kamakailan ng walang tigil na sagupaan sa Rakhine, lalawigan sa gawing kanluran ng bansa. Hanggang noong ika-29 ng buwang ito, 25 tao ang naiulat na namatay, at 18 iba pa ang nasugatan.
Naninirahan sa Rakhine State ang mga etnikong Rakhine na may pananampalatayang Budismo, at mga etnikong Rohingya na may pananampalatayang Islam. Madalas na nagaganap ang sagupaan sa pagitan ng dalawang etnikong grupo.
Ipinahayag Agosto 31, 2017 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagkondena sa naganap na marahas na palitan ng putok sa Rakhine at pakikiramay sa mga inosenteng biktima. Aniya, bilang mapagkaibigang kapitbansa ng Myanmar, suportado ng Tsina ang pagsisikap ng pamahalaang Myanmese sa pangangalaga sa katatagan ng Rakhine. Umaasa aniya ang Tsina na magsisikap ang ibat-ibang may-kinalamang panig para maisakatuparan ang katatagan ng lipunan ng Myanmar, pagkakaisa ng mga etnikong grupo, at pag-unlad ng pambansang kabuhayan.