Setyembre, 4, 2017, Xiamen, Tsina—Inihandog ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, kasama ng kanyang asawa na si Peng Liyuan ang bangkete sa mga panauhing dayuhan na kalahok sa 9th BRICS Summit at Dialogue between Emerging Market Economies and Developing Countries.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Xi na matagumpay na natapos ang pagtatagpo ng mga lider ng BRICS sa Xiamen, at ginaganap ngayon ang Dialogue between Emerging Market Economies and Developing Countries. Umaasa aniya siyang ang mga pag-uusap sa Xiamen ay tiyak na magbubukas ng pinto ng kooperasyon at pag-unlad, at sisimulan ang ika-2 "Golden Decade" ng kooperasyon ng BRICS.
salin:Lele