Setyembre, 4, 2017, Manila-Idinaos ang Pagtatanghal ng mga porselana ng Dinastiyang Song at Yuan ng Tsina na natuklasan sa Pilipinas sa Ayala Museum. Dumalo at bumigkas ng talumpati si Zhao Jianhua, Embahador ng Tsina sa Pilipinas sa seremonya ng pagbubukas.
Sinabi ni Emb. Zhao na hindi dapat kalimutan ang kasaysayan, at ang pagtatanghal na ito ay isang katunayan na ang pagpapalitan ng Tsina at Pilipinas ay may kasaysayan ng halos isang libong taon. Nananalig aniya siyang patuloy na magkakapit-kamay ang mga mamamayan ng dalawang bansa para lumikha ng mas magandang hinaharap.