|
||||||||
|
||
Sichuan, Tsina—Nitong ilang araw na nakalipas, nagiging kilala ang isang restawrang lokal dahil sa sahig nitong inukitan ng menu.
Ang naturang menu ay akda ni Dong Yinlun, may-ari ng restawran. Ani Dong, simple lang ang nasabing obra niya: nang buksan niya ang restawran, madulas ang sahig, kaya, inukitan niya ito ng menu para maiwasan ang pagkadulas.
Sa kasalukuyan, maraming parokyano ang pumupunta sa restawran para makita ang "kaligrapiya sa sahig."
Makikita sa mulahan ng restawran ang nakaukit na pangalan ng restawran
Sahig ng restawran kung saan mababasa ang nakaukit na menu
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |