Inilabas Miyerkules, Setyembre 6, 2017 ng pamahalaan ng Myanmar ang maagang babala sa pambobomba na binabalak ng mga teroristikong tauhan sa mga malaking lunsod na gaya ng Yangon, Mandalay at Nay Pyi Taw.
Ipinahayag ng pamahalaan ng bansang ito na isinasagawa nito ang mga hakbangin para maigarantiya ang kaligtasan ng bansa at ipagkaloob ang mga pangkagipitang tulong sa mga mamamayan na inilipat dahil sa banta ng pambobomba.
Noong ika-25 ng nagdaang Agosto, naganap sa Rakhine State ng bansang ito ang teroristikong pag-atake na nagresulta sa pagkasawi ng 30 sibilyang lokal at pagkawala ng 7 iba pa.
Ayon sa pahayag ng pamahalaan ng Rakhine State Martes, Setyembre 5, inaresto nito ang 38 pinaghihinalaang suspek sa nasabing insidente.