|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Sabado, Setyembre 9, 2017, ng isang opisyal ng Ministri ng Suliraning Panloob ng Mexico na umabot na sa 65 katao ang nasawi sa naganap na lindol sa bansa.
Nitong Huwebes ng gabi, Setyembre 7, naganap ang malakas na lindol sa Mexico. Nabatid na ang estadong Oaxaca ng Mexico ay pinakagrabeng naapektuhan ng lindol kung saan 46 na katao ang namatay sa lindol.
Naglakabay-suri nitong Biyernes si Pangulong Enrique Pena Nieto ng Mexico sa nilindol na purok sa lunsod Juchitan, estadong Oaxaca. Nang sagutin niya ang tanong mula sa mamamahayag ng Xinhua News Agency, ipinahayag ng pangulo na hihikayatin ng kanyang bansa ang iba't-ibang puwersa upang magkakasamang harapin at labanan ang kalamidad ng lindol.
Ipinahayag din ng pangulo ng Mexico na gagawing priyoridad ng kasalukuyang gawain ng pamahalaan ang pagpapanumbalik ng pagsuplay ng tubig at pagkain sa mga nilindol na purok. Ipagkakaloob aniya ng pamahalaan ang serbisyong medikal sa mga apektadong mamamayan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |