|
||||||||
|
||
Sabado, ika-16 ng Setyembre, 2017, nakipagtagpo sa Panama City si Pangulong Juan Carlos Varela ng Panama, kay Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag ni Varela na ang pagtatatag ng kanyang bansa ng diplomatikong relasyon sa Tsina ay lumikha ng bagong kabanata ng relasyon ng dalawang bansa. Aktibong kinakatigan aniya ng kanyang bansa ang "Belt and Road" Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Nagpahayag din siya ng kahandaang aktibong makisangkot sa konstruksyon ng Maritime Silk Road, at gumawa, kasama ng panig Tsino, ng ambag para sa pagpapasulong ng connectivity ng daigdig.
Sinabi naman ni Wang Yi na nitong nakalipas na 3 buwan sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, masiglang masigla ang pagpapalagayan ng kapuwa panig sa iba't ibang larangan. Aniya, nagpapatunay ang katotohanan na ang pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Panama ay angkop sa pundamental at pangmatagalang kapakanan ng Panama at mga mamamayan nito. Nakahanda aniya ang panig Tsino na pabutihin ang paghahanda para sa pagdalaw ni Varela sa Tsina, at gagawing pagkakataon ang nasabing pagdalaw, para likhain ang bagong panahon ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at komong kasaganaan ng dalawang bansa.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |