Setyembre 19, 2017—Sa regular na news briefing, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Korean Peninsula, maaaring makakuha ng karunungan at karanasan mula sa "9•19" komong palagay na ginawa 12 taon na ang nakalipas.
Noong 2005, idinaos ang ika-4 na round ng Six-Party Talks ng Tsina, Hilagang Korea, Hapon, Timog Korea, Rusya at Amerika, at ipinalabas ang komong palagay noong ika-10 ng Setyembre 2005. Ito ang tinatawag na "9•19" komong palagay.
Tinukoy ni Lu na ipinalalagay pa rin ng Tsina na ang Six-Party Talks ay mabisang plataporma para lutasin ang isyung nuklear ng Korean Peninsula.
salin:Lele