Ipinahayag Setyembre 19, 2017, ni Wanda Corazon Teo, Kalihim ng Department of Tourism (DoT) na nakatakdang simulan ang mas maraming direktang flight sa pagitan ng Pilipinas at Tsina para umakit ng mas maraming turistang Tsino.
Sinabi ni Teo sa isang news briefing, na ito ay nasa koordinasyon ng Pilipinas at Tsina, at tinatayang sisimulan ang direktang flight sa pagitan ng mga lunsod ng Tsina na gaya ng Changsha, Wuhan, at Chongqing, at mga mainit na destinasyong panturista sa Pilipinas na gaya ng Boracay, Bohol, at Palawan.
salin:Lele