|
||||||||
|
||
HUMARAP na sa pulisya ang taong nagdala sa biktimang si Horacio Tomas "Atio" Castillo III sa pagamutan. Sumuko siya ilang araw siyang kilalaning "principal suspect" sa pagkasawi ng mag-aaral.
Kinilala ang sumuko sa pangalang John Paul Solano na dinala ni University of Santo Tomas Civil Law dean Nilo Divina kay Senador Panfilo Lacson.
Sinabi ng mambabatas na kaagad niyang dadalhin si Solano sa tanggapan ni Chief Supt. Joel Coronel, director ng Manila Police District.
Si Castillo ay isa sa mga apo sa tuhod ni Soledad Rizal Quintero na kapatid naman ni Dr. Jose Rizal, ang pambansang bayani.
Hindi na nakauwi si Castillo na 22 taong gulang matapos magsabi sa kanyang mga magulang na dadalo sa isang pagtitipon ng Aegis Juris fraternity noong nakalipas na Sabado.
Dinala ni Solano ang biktima sa Chinese General Hospital noong Linggo ng umaga.
Kinilala si Solano na isang "person of interest" sa usapin at kinikilala na ngayong "principal suspect" matapos mabunyag na walang katotohanan ang kanyang sinabi sa pulisya.
Nabatid ng pulisya na si Solano ay isa ring freshman law student sa University of Santo Tomas at kasapi rin ng Aegis Juris fraternity.
Si Solano umano ang nag-recruit kay Castillo na lumahok sa fraternity.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |