Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga tauhan ng Philippine Navy na sangkot sa insidente, ihaharap sa imbestigasyon

(GMT+08:00) 2017-09-25 18:19:03       CRI

SIGURADONG haharap sa imbestigasyon ang mga tauhan ng Philippine Navy na sangkot sa insidenteng ikinasawi ng dalawang mangingisdang Vietnamese.

Sa kanyang pahayag sa media, sinabi ni Lt. Col. Isagani Nato, tagapagsalita ng AFP Northern Luzon Command na inihahanda ng Philippine Navy ang kanilang mga tauhan sa oras na magsiyasat ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.

Ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Miguel Malvar ay may 49 na tauhan na pinamumunuan ng commanding officer na si Wilmer Base. Ang lahat ay sumasailalim na sa imbestigasyon.

Ikinalungkot ni Colonel Edgard Arevalo, AFP Public Affairs Office chief ang naganap na insidente mga ala-una ng madaling araw noong nakalipas na Sabado.

Nagpadala na umano ang kanilang tanggapan ng ulat sa Department of Foreign Affairs. Nakakita umano ng maliliwanag na ilaw sa karagatan ang mga tauhan ng BRP Miguel Malvar ganap na ikalabing-isa't kalahati ng gabi noong Biyernes.

Nakita ng mga tauhan ng Philippine Navy ang mga Vietnamese na nangingisda ng labag sa batas. Isa sa mga sasakyang dagat ang nagpatay ng ilaw kaya't nauwi sa habulan. Kahit nakailang ulat na nanawagan sa pamamagitan ng marine band at megaphone, patuloy na tumakas ang mga mangingisda.

Sa pagpapamaneobra ng isang sasakyang dagat, napinsala ang unahan at kaliwang bahagi ng barko.

Kinilala ang mga nadakip sa mga pangalang Pham To, 34 taong gulang, kapitan ng bangkang pangisda, Phan Lam, 34, Nguyen Than Chi, 49, Phan Van Liem, 41 at Nguyen Van Trong, 41 na pawang mula sa Phy Yen Province sa Vietnam.

Ang mga nasawi ay kinilala sa mga pangalang Le Van Liem, 41 na tinamaan ng bala sa likod ng kaliwang tainga at Le Van Reo, 31 na may tama sa baba, dibdib at likod.

Dinala ang kanilang mga labi sa Bani Funeral Homes upang magawa ang kaukulang autopsy. Dinala naman ang mga nadakip sa Western Pangasinan District Hospital sa Alaminos city upang sumailalim ng medical examination.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>