Sa panahon ng taglagas, nagaganap sa Lawa ng Poyang, pinakamalaking freshwater lake sa Tsina, ang masaganang pangingisda. Ang taglagas ay magandang panahon para sa pangingisda sa lawang ito. Abalang-abala ang mga mangingisda sa paghuli, pagbilad ng mga isda at pagbebenta.
Nitong nakalipas na ilang taon, pinag-ibayo ng pamahalaang lokal ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng Lawa ng Poyang. Bunga nito'y naging malinis ang tubig sa lawa, at bumilis ang proseso ng pagpapanumbalik ng yaman ng pangingisda doon.
Salin: Vera