|
||||||||
|
||
Sinimulan ngayong araw, Miyerkules, ika-11 ng Oktubre 2017, ang operasyon ng Press Center ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na matatagpuan sa Meidiya Hotel sa kanlurang bahagi ng downtown Beijing.
Idaraos sa sentrong ito ang mga news briefing, preskon, at aktibidad ng panayam ng naturang kongreso. Ipagkakaloob nito ang serbisyo sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan, na magkokober sa kongreso.
Maganda ang mga pasilidad sa naturang Press Center. Halimbawa, malaki ang mga individual working area, at mabilis ang cable at wireless internet access. Mayroon ding isang malaking studio, na magagamit ng mga mamamahayag para sa panayam.
Nang araw ring iyon, nagbukas din ang Website (http://19th.cpcnews.cn) at Wechat account (cpcnews19th) ng Press Center ng naturang kongreso. Ilalabas sa website at Wechat ang mga impormasyon hinggil sa kongreso sa wikang Tsino at Ingles.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |