|
||||||||
|
||
Ayon kay Hua, nitong Martes, pumasok, nang walang pahintulot ng Tsina, ang missile destroyer USS Chafee sa territorial sea sa paligid ng Xisha Islands ng Tsina, sa ngalan ng di-umano'y "kalayaan sa nabigasyon."
Sinabi ni Hua, na ipinadala ng panig Tsino ang mga bapor at eroplanong pandigma, para siyasatin ang identidad ng naturang bapor na Amerikano, at paalisin ito.
Dagdag niya, ang naturang aksyon ng panig Amerikano ay lumalabag sa batas ng Tsina at pandaigdig na batas, at lumalapastangan din sa soberanya at seguridad ng Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |