|
||||||||
|
||
Ito ang kanyang pahayag sa idinaos na ASEAN Leaders Forum kahapon, sinabi ni Dr. Mahathir na nakagugulat ang mga kabataan sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya tulad ng computers.
Inamin ni Dr. Mahathir na kung may kailangan siyang gawin o mabatid ay tinatanong niya ang kanyang mga apo na tila isinilang ng may kasama nang computers at makabagong gadgets.
Sa panig ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, sinabi niyang magagamit ang makabagong teknolohiya upang magkaroon ng maraming mga kaibigan at lumalawak na pakikipag-unawaan.
Binanggit ni G. Ramos na sinasabihan niya ang kanyang mga supling at apo na gamitin ang computers at makipagkaibigan sa mga mula sa ibang bansa. Kailangan ding matuto ang kanyang mga supling ng wikang banyaga. Aanyayahan ang mga bagong kaibigang dumalaw sa Pilipinas at magkakaroon din ng pagdalaw sa mga pook ng mga bagong kaibigan.
Sa ganitong paraan, dagdag ni G. Ramos na gaganda ang kalagayan ng mga mamamayan at mga bansa.
Niliwanag naman ni Dr. Mahathir na totoo ang balitang lumabas na tinutuligsa niya ang kasalukuyang pinuno ng bansa, si Prime Minister Najib Abdul Razak, ang supling ng pangalawang pinuno ng Malaysia.
Inakala umano niya na sapagkat nagkasama sila sa paglilingkod sa bansa, si G. Najib na dating Defense Minister, ay makagagawa ng mabuti sa Malaysia. Ani G. Mahathir, nagsasama-sama na ang iba't ibang grupo upang makabuo ng koalisyon sa layuning magwagi sa susunod na halalan.
Mas marami umanong kontrobersya sa ilalim ni G. Najib kaysa mga dahilan ng 'di pagkakaunawaan ng iba't ibang grupo sa Malaysia tulad ng grupo niya at ni dating Deputy Prime Minister Anwar Ibrahim.
Ipinaliwanag din ni Dr. Mahathir na mahalaga ang demokrasya kahit hindi ito ang perpektong paraan. Kailangan lamang umanong maging maingat ang mga mamamayan sa pagpili ng kanilang lider.
Sa panig ni dating Pangulong Ramos, sinabi niyang inilunsad niya ang kanyang pinakahuling aklat na pinamagatang "Make the Change Work" upang huwag masayang ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |