Washington D.C., punong himpilan ng World Bank-Ipinahayag Oktubre 12, 2017 ni Kim Yong, Presidente ng World Bank na kasalukuyang lumalakas ang pangkalahatang puwersa ng Tsina, batay sa patuloy na pagsasagawa ng repormang pangkabuhayan at pagbubukas sa labas. Aniya, kasabay ng pagbabawas ng mga mahihirap sa loob ng bansa, gumaganap din ang Tsina ng mahalagang ambag sa poverty reduction ng daigdig. Aniya, sa kasalukuyan, bumaba hanggang di-lalampas sa 10% mula 40% ang proporsyon ng mga lubos na mahihirap sa populasyon ng buong daigdig.
Ani Kim, kasalukuyang napapahigpit ng World Bank ang pakikipagtulungan sa Tsina sa ibat-ibang larangang kinabibilangan ng pagbibigay ng serbisyong panlipunan at garantiyang medikal sa mga mamamayan ng mga umuunlad na bahagi ng bansa.
Dagdag pa niya, nagsisikap ang World Bank para sa pagbibigay-suporta sa pag-unlad ng Tsina, samantala, nagkaroon din ito ng mga karanasan mula sa tagumpay ng Tsina. Umaasa aniya siyang pag-aaralan ng mga bansang may katam-tamang laking kita sa daigdig ang matagumpay na karanasan ng Tsina sa larangan ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap.