Sa panahon ng taunang pulong ng World Bank at International Monetary Fund, idinaos kamakalawa, Huwebes, ika-12 ng Oktubre 2017, sa Washington DC, Amerika, ang mataas na symposium hinggil sa "Belt and Road" Initiative. Lumahok sa symposium ang halos 400 kinatawan mula sa iba't ibang bansa, mga organisasyong pandaigdig, mga organong pinansyal, at iba pa.
Sa symposium, isinalaysay ni Shi Yaobin, Pangalawang Ministrong Pinansyal ng Tsina, ang mga natamong bunga ng "Belt and Road" Initiative sa kooperasyon sa pagpapapuhunan. Sinabi niyang narating ng Tsina, 26 na bansa ng daigdig, at mga organong pinansyal ang dokumento hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyon sa pagpapapuhunan. Iminungkahi rin aniya ng Tsina ang pagtatatag ng isang multilateral na organo, para isagawa ang iba't ibang porma ng kooperasyon sa naturang aspekto.
Ipinahayag naman ni Jim Yong Kim, Puno ng World Bank, ang buong lakas na pagkatig sa "Belt and Road" Initiative. Aniya, sa bawat Abril at Oktubre sa hinaharap, itataguyod ng World Bank ang mga ganitong symposium, para talakayin ang mga usapin ng inisyatibang ito.
Inilahad naman nina Yerbolat Dossayev, Pangalawang Punong Ministro ng Kazakhstan, at Sri Mulyani Indrawati, Ministrong Pinansyal ng Indonesya, ang paninindigan at mga hakbangin ng kani-kanilang bansa sa mga kooperasyon sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative.