Nanawagan si Xi Jinping, General Secretary ng Komite Sentral ng Partido Kumunista ng Tsina (CPC) na palalakasin ang kooperasyon sa pagitan ng CPC at ibang partidong pulitikal para maipatupad ang pangarap na muling pasiglahin ang nasyong Tsino.
Ipinahayag ito ni Xi sa isang pulong na idinaos kamakailan ng CPC para kunin ang palagay ng ibang mga partido sa burador ng ulat na ilalabas sa gaganaping Ika-19 Pambansang Kongreso ng CPC.
At pagkaraang mapakinggan ang mga palagay ng kalahok, sinabi ni Xi na ito ay isang tradisyonal na kagawian ng CPC na bago gumawa ng pangunahing patakaran at kapasiyahan, hinihingi muna ang opinyon mula sa komite sentral ng ibang partidong pulitikal, All China Federation of Industry and Commerce at mga personaheng walang kinaaanibang partido.
Sinabi pa ni Xi na ang report na ilalabas sa Ika-19 Pambansang Kongreso ng CPC ay dapat magpakita ng pinagsama-samang karunugan ng lahat ng partido, makatugon sa inaasahan ng mga mamamayan, patingkarin ang papel ng patnubay sa kaunlaran ng bansa, at maging positibong impluwensiya sa komunidad ng daigdig.