Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, pumasok na sa bagong panahon ng sosyalismong may katangiang Tsino: Pangulong Xi

(GMT+08:00) 2017-10-18 15:13:56       CRI
Sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na pumasok na sa bagong panahon ang sosyalismong may katangiang Tsino.

Ito ang ipinahayag ni Xi sa kanyang ulat sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na nagbukas Oktubre 18, 2017, sa Beijing.

Aniya, ang bagong panahon ng sosyalismong may katangiang Tsino ay isang konsepto, na nabuo nitong nakalipas na limang taon, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, at iniharap ng Tsina sa kauna-unahang pagkakataon.

Dagdag ni Xi, sa bagong panahong ito, dapat pag-ibayuhin ng Tsina ang pagsisikap para sa pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas at isang modernong bansang sosyalista. Dapat din aniyang isakatuparan ang komong kasaganaan ng lahat ng mga mamamayan at "Chinese Dream" ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino, at pasulungin ang walang humpay na pagbibigay ng mas malaking ambag sa sangkatauhan.

Ani Xi, nitong limang taong nakalipas, salamat sa pananangan sa bagong ideya at pamamaraan ng pag-unlad, umabot sa 80 trilyong Yuan o 1.3 trilyong dolyares ang GDP ng Tsina. Lampas aniya sa 30% ang ambag ng kabuhayan ng Tsina sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig. Kasabay nito, mahigit 60 milyong mahirap na mamamayan sa Tsina ang napalaya mula karalitaan, dagdag ng pangulong Tsino.

Sinabi pa niyang bumaba ng mas mababa sa 4% ang poverty rate ng Tsina mula 10.2% at hanggang taong 2020, dapat mabawasan ang populasyon ng mahihirap sa lahat ng kanayunan ng bansa.

Ipinagdiinan din ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagpapauna ng edukasyon para maisakatuparan ang komprehensibong kasaganaan ng sambayanang Tsino. Sinabi niyang titiyaking ang bawat bata ang magkakaroon ng karapatan para sa pantay at de-kalidad na edukasyon.

Tinukoy rin niyang patuloy na isusulong ng Tsina ang pagbubukas sa labas. Inulit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang buong tatag na pananangan ng bansa sa nagsasariling patakarang panlabas na pangkapayapaan. Aniya pa, hindi nagbabago at hindi magbabago ang pangako ng Tsina na hindi kailan man ito magsagawa ng hegemonismo.

Salin/Edit: Jade

Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>