|
||||||||
|
||
Batay sa pangkalahatang kalagayan ng Tsina, at pag-unlad ng bansa nitong 5 taong nakalipas sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, iniharap sa report, na pumasok sa bagong panahon ang sosyalismong may katangiang Tsino. At batay dito, iniharap ang ideyang sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon.
Sa ilalim ng bagong ideyang ito, itinakda na ang pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino ay pangunahing tungkulin ng CPC, at ito rin ay patnubay sa iba't ibang usapin ng Tsina.
Inilakip sa report ang tatlong target para sa pag-unlad ng Tsina, na kinabibilangan ng pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas sa taong 2020, pagsasakatuparan ng sosyalistang modernisasyon sa taong 2035, at pagiging malakas at modernisadong bansang sosyalista sa kalagitnaan ng siglong ito. Ang huling dalawang target ay bagong iniharap, at ang mga ito ay mahalaga para sa pag-unlad ng Tsina sa mahabang panahon sa hinaharap. Sa ilalim ng mga target na ito, iniharap sa report ang maraming bagong hakbangin, na magiging kahilingan sa iba't ibang gawain ng bansa sa hinaharap.
Kaugnay naman ng mga usapin ng CPC, iniharap din sa report, na dapat igiit ang mahigpit na pangangasiwa sa partido, at walang humpay na pagpapalakas ng kakayahan ng partido sa pamamahala ng estado. Ito ay makakatulong sa mas mabuting pamumuno ng CPC sa buong bansa sa landas ng pag-unlad.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |