Lumahok kahapon, Miyerkules, ika-18 ng Oktubre 2017, si Zhang Dejiang, miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa talakayan ng delegasyon ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC.
Sinabi ni Zhang, na sa report ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, inilakip ang mga teorya, kahilingan, at hakbangin para sa sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon. Ito aniya ay mahalaga para sa pagtatatag ng may kaginahawahang lipunan sa mataas na antas, pagpapasulong ng sosyalismong may katangiang Tsino, at pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.
Sinabi ni Zhang, na dapat pag-aralan ng bawat miyembro ng CPC ang naturang report, para alamin ang sariling mga bagong tungkulin, at sa gayo'y magbibigay ng bagong ambag sa iba't ibang usapin ng partido at bansa.