Lumahok kahapon, Miyerkules, ika-18 ng Oktubre 2017, si Liu Yunshan, miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa talakayan ng delegasyon ng lalawigang Yunnan sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC.
Sinabi ni Liu, na dapat buong taimtim na pag-aralan ang ideya ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon, na iniharap ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping ng Komite Sentral ng CPC.
Ani Liu, ang ideyang ito ay iniharap batay sa mga natamong karanasan nitong limang taong nakalipas, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC. Dagdag niya, ito ay patnubay sa iba't ibang usapin ng partido at bansa sa hinaharap.
Ipinahayag din ni Liu, na dapat sundin ang diwa ng kasalukuyang kongreso sa isip at kilos, para sa lubos na pagpapatupad ng mga kahilingan at hakbangin, sa ilalim ng ideya ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon.