|
||||||||
|
||
Kaugnay nito, ipinahayag ng mga sikat na pandaigdigang personahe na noong nakaraang limang taon, natamo ng Tsina ang mga kapansin-pansing bunga sa kabuhayan, reporma, pagbuti ng pamumuhay ng mga mamamayan at mas mahigpit na pangangasiwa sa mga suliranin ng CPC.
Sinabi ni Hoang Binh Quan, Miyembro ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at Ministro ng Commission for External Relations ng CPV, na sa ilalim ng pamumuno ng CPC, natamo ng mga mamamayang Tsino ang malalaking bunga sa pag-unlad ng lipunan at kabuhayan, nitong limang taong nakalipas.
Kaugnay ng pagpawi ng kahiparan at pagsasalunsod, sinabi ni Javier Miranda, Tagapangulo ng Frente Amplio, naghaharing partido ng Uruguay, na mahusay ang CPC sa nasabing dalawang isyu at natamo nito ang malaking bunga para pabutihin ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.
Kaugnay ng paglaban sa korupsyon, sinabi ni Pangulong Aleksandar Vučić ng Serbia na ang gawaing ito ay nagkakaloob ng mahalagang enerhiya para sa paghahari ng CPC.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |