|
||||||||
|
||
Sinabi ni Yang Xiaodu, Pangalawang Kalihim ng CPC Central Commission for Discipline Inspection (CCDI), at Puno ng National Bureau of Corruption Prevention, na nitong limang taong nakalipas, sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, lubos na pinahahalagahan ng Komite Sentral ng CPC ang mahigpit na pangangasiwa sa partido, at ibayo pang pinalalakas ang paglaban sa korupsyon.
Ayon kay Yang, nitong limang taong nakalipas, ini-imbestigahan ng CCDI ang mahigit 1.5 milyong kasong may kinalaman sa korupsyon, at naparusahan na ang mahigit 1.5 milyong miyembro ng CPC, na kinabibilangan ng 440 mataas na opisyal.
Isinalaysay naman ni Qi Yu, Pangalawang Puno ng Organization Department ng Komite Sentral ng CPC, na bago idaos ang kasalukuyang pambansang kongreso, inalis ang kuwalipikasyon ng 27 delegado sa kongreso, dahil sa kanilang paglabag sa disiplina ng partido at batas ng bansa. Ani Qi, ito rin ay nagpapakita ng matatag na determinasyon ng CPC sa mahigpit na pangangasiwa sa partido.
Kaugnay naman ng gawain ng paglaban sa korupsyon sa hinaharap, ipinahayag ni Yang, na igigiit ng CPC ang "zero tolerence" sa korupsyon, at ibayo pang kukumpletuhin at pabubutihin ang mekanismo ng pagpigil at pag-iwas sa korupsyon.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |