Lumahok kahapon, Huwebes, ika-19 ng Oktubre 2017, sa Beijing, si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), sa talakayan ng delegasyon ng lalawigang Guizhou sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC.
Binigyang-diin ni Xi, na sa report na ginawa niya sa ngalan ng ika-18 Komite Sentral, buong linaw na tinukoy ang direksyon ng pagsulong ng iba't ibang usapin ng partido at bansa. Ang report na ito aniya, ay plataporma ng pamumuno ng CPC sa buong bansa sa paggigiit at pagpapaunlad ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Dagdag ni Xi, dapat malalimang pag-aralan ng bawat miyembro ng CPC, ang hinggil sa ideya ng sosyalismong may katangiang Tsino sa bagong panahon, pagbabago ng pangunahing kontradiksyon sa lipunan ng bansa, bagong target ng pagtatatag ng modernisadong bansang sosyalista, at mga bagong kahilingan sa pangangasiwa sa partido. Ito aniya ay para ibayo pang umunlad ang Tsina, at bumuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino.