Bawat taon, mula katapusan ng Oktubre hanggang Disyembre, punong puno ng matamis na amoy sa mga nayon ng bayang Yiwu, probinsyang Zhejiang ng Tsina. abalang-abalang ang halos lahat ng pamilyang lokal sa pagsasagawa ng tradisyonal na brown sugar.
Lagpas sa 300 taon ang tradisyon ng paggawa ng brown sugar sa bayang Yiwu na gumagamit ng sugarcane. Hanggang sa kasalukuyan, iginigiit ng mga mamamayang lokal na gumawa ng mga minatamis sa pamamagitan ng sinaunang iron pan at dahil hindi nakararanas ng purification, napapanatili ang mas maraming nutrition nito.
Bukod dito, sa bisperas ng Lunar New Year, gumagawa ang mga mamamayan ng new year candy gamit ang brown sugar at bigas, peanut, sesame at iba pang sangkap.