|
||||||||
|
||
20171023AMBACPCMP4.mp4
|
Sa eksklusibong panayam ng CRI Serbisyo Filipino, Huwebes, Oktubre 19, 2017, ipinahayag ni Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina na, ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na kasalukuyang ginaganap sa Beijing, ay isang mahalagang pangyayari dahil makikita dito kung ano ang direksyong tatahakin ng Tsina sa loob ng 5, 15 at 30 taon at mas mahaba pang panahon. At meron itong epekto sa relasyon ng Pilipinas at Tsina.
Si Embahador Sta. Romana
Aniya, sa ngayon ay makikitang mukhang ang direksyon na tatahakin ng Tsina ay ipagpatuloy ang kasalukuyang direksyon. Kaya yung humuhusay na relasyong Sino-Pilipino, ay lalo pang tutuloy at lalo pang uunlad sa hinaharap.
Sa mga nilalaman ng ulat na binigkas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kahapon sa pagbubukas ng kongreso, nakatawag ng pansin ni Embahador Sta. Romana ang hinggil sa patakarang panlabas ng Tsina, One Belt and One Road Initiative at Asian Infrastructure Investment Bank. Sinabi niyang lahat ng mga ito ay may kahalagahan sa Pilipinas.
Paliwanag niyang patakaran din ng Pilipinas ngayon ay paunlarin ang imprastruktura para umunlad ang ekonomiya. Ani Sta. Romana, "Sa ulat, may mga bahagi na nagtutugma sa plano ng Tsina at sa plano ng Pilipinas. Makikita natin sa ulat na patuloy na tatahakin ito ng Tsina at sana ay magkaroon ng benepisyo ito lalo sa Pilipinas."
Ang panayam ay isinagawa sa Peking University kung saan dumalo si Embahador Sta. Romana sa pagbubukas ng Eksibisyon ng Tradisyon ng Paghahabi ng Pilipinas sa School of Foreign Languages.
Si Embahador Sta. Romana (ika-2 sa kaliwa), kasama ng mga mamamahayag ng CRI Filipino Service na sina Mac (ika-2 sa kanan), Lele (dulong kanan) at Jade (dulong kaliwa)
Ulat : Mac Ramos
Larawan: Lele
Edit: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |