|
||||||||
|
||
Phnom Penh--Idinaos Martes, Oktubre 24, 2017, ng Industrial and Commercial Bank of China (ICBC) at National Bank of Cambodia, bangkong sentral ng Kambodia ang "Porum ng Cross-Border na Kalakalan at Pamumuhunan ng Chinese RMB at Cambodian Riel." Ipinahayag ni Neav Chanthana, Deputy Governor of the National Bank of Cambodia na isusulong ng pamahalaan ng Kombodia ang paggamit ng Chinese RMB ng mga mamamayan.
Sinabi ni Chanthana, ang paggamit ng RMB bilang pambayad lalung-lalo na sa mga restawran at hotel ay magbibigay ng mas maraming ginhawa para sa mga turistang Tsino.
Sa porum, pinalalagay ng mga dalubhasa na ang cross-border RMB settlement ay angkop sa pangangailangan ng Kambodia sa non-dollar currency.
salin: Lele
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |