Kunming, Lalawigang Yunnan ng Tsina—Isang komunike ang inilabas kamakailan ng Lalawigang Yunnan hinggil sa unang pambansang sensus ng kalagayang heograpikal. Ginamit sa nasabing sensus ang mga modernong teknolohiyang gaya ng aerial remote sensing, Global Navigation Satellite System at Geographic Information System. Ang mga litrato ay kinuha mula sa 400 kilometrong layo sa kalawakan.
Sa nasabing pambansang sensus, nangolekta ang mga tauhan ng remote sensing image ng mga kataka-takang likas na tanawin.
Salin: Vera