Beijing-Ipinahayag kahapon, Oktubure 26, 2017 ni Ren Guoqing, Tagapagsalita ng Ministring Pandepensa ng Tsina na narating ng Tsina at ASEAN ang inisyal na komong palagay na idaos ang pagsasangguniang teknikal at batay sa resulta ng pagsasanggunian, isasagawa ng 2 panig ang magkasanib na pagsasanay na militar.
Ayon sa ulat, ang nasabing kapasiyahan ay magkakasamang pinarating ng mga Ministrong Pandepensa ng Tsina at ASEAN sa China-ASEAN Defense Ministers' Informal Meeting (10+1) at ASEAN Defense Ministers' Meeting Plus (10+8).
Sinabi pa ni Ren sa pamamagitan ng mekanismong ito, patuloy na mapapalalim ng tropang Tsino ang mapagkaibigang pagpapalitan at substansyal na pagtutulungan sa mga hukbo ng bansang Asya-Pasipiko at ibang rehiyon sa daigdig, mapapahigpit ang pagtitiwalaan at pag-uunawaan, mapapasulong ang mekanismong pangkooperasyon at multilateral na diyalogong panseguridad upang magkakasamang mapanatili ang kapayapaan, katatagan at komong kasaganaan ng rehiyon at daigdig.