|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw, Oktubre 29, 2017 sa Beijing ang ika-9 na "Love Knows No Boarders" o International charity sales ng mga diplomata sa Beijing. Ang lahat ng mga kita ng nasabing aktibidad ay ibibigay sa China Foundation for Poverty Alleviation para itatag ang mga sentrong medikal sa Nayong Libo at Nayong Jinping, dalawang mahihirap na lugar sa lalawigang Yunan ng Tsina.
Dumalo sa aktibidad si Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina, mga diplomata ng mahigit 140 dayuhang embahada, at mga kinatawan ng mga pandaigdigang organisasyon.
Bukod dito, lumahok sa aktibidad ang halos 15,000 mamamayan at ayon sa inisyal na pagtaya, ang kabuuang kita ng nasabing aktibidad ay aabot sa halos 4 na milyong yuan RMB.
Sa ngalan ng mga dayuhang diplomata, ipinahayag ni Barbara Janet Woodward, Embahador ng Britanya, na ang aktibidad na ito ay nagkakaisang puwersa ng iba't ibang panig para tulungan ang mga mahihirap sa Tsina. Aniya pa, nakahanda ang mga dayuhang diplomata at pandaigdigang organisasyon na patuloy at aktibong sumuporta at lumahok sa mga charity activities ng Tsina.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |