Oudomxay, Laos-Sa kanyang paglalakbay-suri sa isang construction site ng daambakal ng Tsina at Laos, Nobyembre 4, 2017, ipinahayag ni Punong Ministrong Thongloon Sisoulith ng Laos na bilang estratehikong proyektong pangkooperasyon ng Tsina at Laos, ang pagtatatag ng nasabing daambakal ay hindi lamang makakatulong sa pagsasakatuparan ng win-win situation at magkasamang pag-unlad ng dalawang panig, kundi magpapasulong din sa pambansang kabuhayan ng Laos. Umaasa aniya siyang ito'y magiging berde at modern railway na may mataas na episyensya.
Ang nasabing daambakal ay may habang 400 kilometro, mula Bohan(Tsina)-Boten(Laos), hanggang sa Vientiane, kabisera ng Laos. Tinatayang aabot sa 40 bilyong RMB ang kabuuang halaga ng puhunan nito.