|
||||||||
|
||
Ang nasabing camp ay magkasamang itinaguyod ng National Health and Family Planning Commission ng Tsina at Ministri ng Kalusugan ng Laos. At ang mga doctor ng nasabing camp ay galling sa Peking Union Medical College Hospital at Kunming Medical University No.1 Hospital.
Sinabi ni Doctor Zhong Yong ng Peking Union Medical College Hospital na ang lahat ng mga pasilidad na medikal sa camp ay ipinadala mula sa Tsina at pagkatapos ng camp, ihahandog ang lahat ng mga ito sa panig Lao.
Sinabi rin ni Li Yan, Doctor ng Kunming Medical University No.1 Hospital, na umaasa siyang magsisikap, kasama ang ibang mga doctor Tsino, para lunasan ang mas maraming may-sakit na Lao.
Sinabi ni Doctor Phayvanh Sayyalit ng Mahosot Hospital ng Laos na umaasa siyang maisasagawa ng dalawang bansa ang mas maraming ganitong kooperasyon sa hinaharap.
Ayon sa ulat, ang susunod na eye camp ay idaraos sa taong 2018.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |