Pagkaraan ng mahigit 400-araw na renobasyon, pormal na magbubukas sa publiko ang Sichuan Science and Technology Museum.
Ginastusan ang nasabing renobasyon ng 120 milyong yuan RMB, at 25,000 metro kuwadrado ang kabuuang saklaw ng permanenteng exhibition area ng museo pagkatapos ng renobasyon.
Itatanghal dito ang mga kaalamang pansiyensiya't panteknolohiya sa mga aspektong gaya ng abiyasyon, kalawakan, Dujiangyan Irrigation Project, matematika, mechanics, akustika, optics, makinarya, robot, virtual world, siyensiya ng buhay, pamilyang ekolohikal, malusog na pamumuhay, siyensiya't teknolohiya ng transportasyon at iba pa. Ang apat na katangi-tanging teatro ay magiging tampok din ng nasabing museo.
Salin: Vera