|
||||||||
|
||
UMABOT na sa US$ 23.2 bilyon ang naipadalang salapi ng mga manggagawang Filipino sa unang siyam na buwan ng taong 2017. Kinakitaan ito ng paglago ng 4.8 percent kung ihahambing sa naipadalang salapi noong nakalipas na taon.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Nestor A. Espenilla, Jr. ang personal remittances ng land-based overseas Filipinos na may kontratang higit sa isang taon kasama na ang household-to-household transfers ay tumaas ng 5.1 percent at nakamtan ang halagang US$ 18.4 bilyon. Ang sea-based at land-based workers na mayroong mga kontratang walang isang taon ay tumaas din ng 3.5 percent at nakamtan ang US$ 4.8 bilyon.
Subalit napunang bumaba ang cash remittances sa halagang US$ 2.3 bilyon noong Setyembre at kinakitaan ng pagbaba ng 7.0 percent kaysa noong nakalipas na taon.
Ang salaping idinaan sa mga bangko ay lumago rin ng 3.8 percent kung ihahambing sa naipadalang salapi noong nakalipas na taon at umabot sa US$ 20.8 bilyon. Ang padalang salapi ng land-based ay lumago ng 3.5 percent at nakamtan ang US$ 16.4 bilyon at sea-based workers ay lumago rin ng 3.5 percent sa halagang US$ 4.4 bilyon.
Sa buwan ng Setyembre, ang cash remittances ay nabawasan ng 8.3 percent sa halagang US$ 2.2 bilyon kung ihahambing sa naipadalang salapi noong Setyembre ng 2016.
Bumagsak ng 11.7 percent ang padala ng land-based workers na nakatakip sa dagdag na padala ng sea-based workers na 6.0 percent.
Maraming nagsarang global correspondent banks na mayroong money service business dahil sa lumalagong kalakaran na pagtutuon ng pansin sa sariling mga bansa. Isa ito sa posibleng dahilan ng pagbaba ng remittances.
Ang mga bansang lumiit ang padalang salapi noong Setyembre ay ang Saudi Arabia, Kuwait, Qatar at Australia. Marami na ring mga manggagawang Filipino ang umuwi sa ilalim ng amnesty program na nagsimula noong Marso ng taong ito. Umabot na sa 8,467 mga manggagawang Filipino ang umuwi ng Pilipinas.
Ang cash remittances mula sa America, Saudi Arabia, United Arab Emirates, Singapore, Japan, United Kingdom, Qatar, Kuwait, Germany at Hong Kong ay halos 72 porsiyento ng cash remitttances na nakarating sa Pilipinas sa unang siyam na buwan ng 2017.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |