Miyerkules, Nobyembre 22, 2017, lumisan ng Beihai Fucheng Airport ang isang eroplanong may sakay na 127 pasahero, at pagkatapos ng isa't kalahating oras na paglipad, dumating ito ng Da Nang, Biyetnam. Ito ang ika-2 ruta patungong bansang ASEAN sapul nang itatag ang nasabing paliparan, at may mga fixed flight tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Ang pagsasaoperasyon ng rutang ito ay hindi lamang nagsakatuparan ng direktang pakikipag-ugnayan sa Biyetnam, kundi mabisang nagsakumpleto rin ng network at pagkakaayos ng abiyasyon ng Guangxi.
Salin: Vera