Noong Setyembre 29, 2017, sina "Cai Tao" at "Hu Chun," dalawang giant panda, ay dumating sa Indonesia upang simulan ang kanilang pamumuhay doon. Sa seremonya ng pagsisimula ng kooperaysong Sino-Indones sa pangangalaga sa panda na idinaos Linggo, Nobyembre 26, 2017, ipinahayag ni Liu Yandong, Pangalawang Premyer ng Tsina, na ang panda ay sugo ng pagkakaibigan. Ito aniya ay nakakapagpalapit sa damdamin ng dalawang bansa, at nag-iiwan ng komong magandang alaala sa kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng